Dalawang Sakay ng Motorsiklo, Sugatan Matapos Mabangga ng Bus sa Cauayan City!

Cauayan City, Isabela – Sugatan ang dalawang lalaki matapos na mabangga ng Victory Liner Bus ang sinakyang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway sa Barangay San Fermin Cauayan City kaninang madaling araw.

Ang dalawang biktima ay kinilala na sina Jonathan Cortez, tatlumput limang taong gulang, may asawa, drayber ng motorsiklo at residente ng District 1, Cauayan City at ang angkas nito na si Alberto Bartolome, tatlumput anim na taong gulang, walang asawa at residente ng Albano Street, District 3, Cauayan City.

Kinilala naman ang drayber ng Victory Liner Bus na si Diomedes De Leon, apatnapu’t dalawang taong gulang, may asawa at residente ng Masigon, Burgos, Isabela.


Ayon sa pangyayari bumabaybay ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng national highway ng biglang lumiko ang motorsiklo na hindi naman agad napansin ng drayber ng bus na sumusunod dito kung kaya’t nabangga ang motorsiklo at sumemplang ang dalawang sakay na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sasagutin ng Victory Liner Bus ang pagpapagamot ng biktima samantalang ang motorsiklo at bus ay nasa himpilan na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments