Na-deliver na national ID cards ng Philippine Postal Corporation, nasa higit 14-M na

Aabot na sa 14 milyong national ID cards na ang na-deliver ng Philippine Postal Corporation.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Post Master General at Chief Executive Officer Normal Fulgencio na hanggang nitong July 8 ay nasa 14,033,000 na mula sa kabuuang 14,800,000 national IDs na ang naipamahagi na.

Mayroon pa aniyang tinatayang 700,000 national IDs ang patuloy nilang idini-deliver sa ngayon.


Kung idadagdag aniya ang mga naideliver hanggang ngayong araw, posible aniyang nabawasan pa ito ng 350,000 at nasa 50% na lamang ang balance nila para i-deliver pa.

Hindi naman sinagot ni Fulgencio kung ano ang dahilan ng delays o pagkaantala sa delivery.

Ayon kay Fulgencio, hindi sila ang dapat sumagot nito sa halip ang Philippine Statistics Authority o PSA dahil ang trabaho lamang nila ay mag-deliver kapag natanggap nila ang mga ID na nasa envelop galing sa PSA.

Facebook Comments