Na-dismiss na murder case ng pinatay na Pasay councilor, sinisilip ng SPD

Manila, Philippines – Sinisilip ng Southern Police District District ang posibleng may kinalaman sa nabasurang murder case ang pagkakabaril kagabi kay Pasay city councilor Borbie Rivera.

Ayon kay SPD Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., partikular na titingnan nila ang dating records ni Rivera kung saan nakulong ito sa Makati Jail, dalawang taon na ang nakakalipas.

Una nang tinambangan noong June 23 ng taong ito si Rivera, at away ang nakitang motibo dito.


Ayon naman kay Sr. Supt. Marion Balonglong, Chief of Police ng Las Pinas City, humingi na sila kopya ng CCTV sa pamunuan ng SM Southmall para makita ang tunay na nangyari sa pamamaril kagabi kay Councilor Rivera.

Ideneklarang dead-on-arrival si Rivera sa Asian Hospital sa Muntinlupa City makaraang magtamo ng bala sa kanyang katawan at ulo.

Facebook Comments