Canada, magkakaloob ng 10-million dollars scholarship program sa ASEAN countries

Canada – Inanunsyo ng Canada ang 5-year, $10 million scholarship program sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Sa ginanap na ASEAN-Canada Foreign Ministers Summit sinabi ni Canadian foreign minister Chrystia Freeland na sakop ng program ang mga estudyante at mid-career professionals.

Ayon kay Freeland, layon ng programa na palakasin ang people-to-people ties ng Canada sa ASEAN member nations.


Ang Canada ay isa sa dialogue partner ng ASEAN simula 1977.

Facebook Comments