Na-hack na Instagram account ni Glaiza de Castro, naibalik na!

Naibalik na ang Instagram account ng aktres na si Glaiza de Castro matapos ma-hack at hingian pa ito ng $335 o humigit kumulang na P17,000 bilang kabayaran.

Sa Twitter account ni Galiza, makikita na humingi siya ng tulong kung paano mababawi ang kaniyang Instagram.

Sa tulong naman ng isang netizen, nakita rin ang mukha ng hacker umano ng account ni Glaiza.


Nagpasalamat naman ang kapuso actress sa mga tumulong sa kaniya at nagpaalala rin ito sa lahat na maging maingat sa mga natatanggap na email at link lalo na sa mga impormasyong ibinibigay natin online.

Facebook Comments