U.K., nakakaranas ng pinakamainit na temperatura ngayong linggo dahil sa heatwave

Inaasahang makakaranas ng mini-heatwave ang United Kingdom (U.K.) ngayong linggo.

Ayon sa ulat, umabot ng 32.6 degrees celcius ang temperatura nitong Miyerkules partikular na sa isang paliparan maging sa mga beach sa bahagi ng Southend, Brighton at Bournemouth.

Nabatid na inakyat na ng mga otoridad sa level three heat-health alert ang mga lugar sa England kung saan pinayuhan ang publiko na mag-ingat.


Sa ngayon ay dinadagsa ng maraming beachgoers ang U.K. matapos alisin ang travel restriction at magtapos na ang lockdown sa nasabing bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments