NA-IMPLUWENSYAHAN? | ECOP, sinisisi ng isang kongresista sa pag-apruba sa P25 wage hike

Manila, Philippines – Sinisisi ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao sa Employers’ Confederation of the Philippines ang pag-apruba.sa P25 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Casilao, naimpluwensyahan ng ECOP ang Regional Wage Board na hindi pagbigyan ang hirit na P334 ng ilang labor groups.

Sinabi pa ng kongresista na mas lalo lamang silang pinagmumukhang alipin ng ECOP dahil sa wage hike, ang P15 na dagdag sweldo ay isang pakete lamang ng noodles ang mabibili P10 ay bahagi ng cost of living allowance.


Hinimok ng mambabatas na dapat tutulan ng mga manggagawa ang limos na dagdag sahod ng ECOP na malinaw na walang pusong ipinatupad para sa mga manggagawa.

Iginiit pa nito na malayung-malayo ito sa average na P1,170 na kada araw para mabuhay ang isang pamilya batay sa tala ng Ibon Foundation.

Nanawagan din si Casilao na ipasa na ang panukalang batas na nagtatakda ng P750 national minimum wage para makasabay sa nagtataasang presyo ng mga bilihin ang mga Pilipino.

Facebook Comments