NA-RESCUE | 40 biktima ng human trafficking – nasagip ng NBI sa Maynila

Manila, Philippines – Apatnapung biktima ng human trafficking ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.

Ayon sa NBI – pito sa mga na-rescue ay mga menor de edad at karamihan sa mga biktima ay galing pa sa Maguindanao at South Cotabato.

Papunta sa Middle East ang mga biktima na natagpuang nakakulong sa isang apartment sa San Andres, Bukid.


Nadiskubre ng NBI ang insidenteng ito ng human trafficking matapos itong isiwalat ng isang 17-anyos na babaeng patungo sana sa saudi pero naharang dahil sa mga kwestiyonableng travel documents.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang NBI laban sa may-ari ng apartment.

Facebook Comments