SUMIKLAB | Residential area sa Catmon, Malabon, nasunog

Manila, Philippines – Nasunog ang isang residential area sa Gov. Pascual Avenue, Barangay Catmon, Malabon City.

Ala-1:50 kaninang hapon nang iakyat sa Task Force Alpha ang sunog pero umakyat pa ito sa Task Force Bravo.

Bukod sa gawa kasi sa light materials ang mga bahay, nahihirapan din silang apulahin ang apoy dahil sa lakas ng hangin.


Aminado naman ang mga residente na pawang mga informal settlers ang nakatira sa lugar.

Samantala, may ilang nasugatan sa insidente na agad namang nilapatan ng paunang lunas.

Pansamantala ring isinara sa mga motorista ang kahabaan ng Gov. Pascual Avenue dahil punong-puno na ito ng mga trak ng bumbero.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments