NA-TRAP | 3 patay, higit 20 na-trap sa isang minahan sa China

China – Nasawi ang nasa tatlong tao habang na-trap sa loob ng isang tunnel ang nasa 21 coal miners sa Shandong Province, China.

Nangyari ang aksidente sa coal mine na pinamumunuan ng Shandong energy.

Sa ulat, biglang nagsibaksakan ang mga bato at sinira nito ang bahagi ng water drainage tunnel ng minahan.


Higit 170 rescue workers na ang natutulong-tulong para masagip ang mga ito.

Posibleng ang pagmimina ang dahilan ng insidente.

Ipinag-utos na ang suspensyon ng operasyon ng nasa 41 coal mines para isailalim sa safety at security check.

Facebook Comments