PBA | Raymond Almazan, maglalaro na sa Rain or Shine

Manila, Philippines – Maglalaro na muli sa Rain or Shine Elasto Painters ang controversial player na si Raymond Almazan matapos mawala ng mahigit dalawang linggo.

Mismong si Rain or Shine co-team owner Raymund Yu ang siyang gumawa ng paraan para maayos na ang anumang gusot ni Almazan at head coach Caloy Garcia.

Nagpasalamat din ang buong staff ng Elasto Painters dahil kakailanganin nila ang serbisyo ni Almazan para makasungkit ng mga panalo sa natitira nilang tatlong laro sa elimination.


Bagaman at pinayagan muling makalaro, hindi naman makakalusot sa multa si Almazan dahil sa ginawa nitong pag-awol.

Facebook Comments