Gustong gusto ng karamihan lalo na ang mga bata ang larong Skateboarding. Pero hindi ito isanglaro na madaling matutunan. Mahirap gawin ang pag- skateboard. Makikita mo sa iba nanapakadali lang pero sa totoo lang mahirap talaga. Marami kang dapat isaalang-alang bagomagsimula at pag aralan ito. Hindi dahil gusto mong maging ‘IN’ Pero gusto mong matutunan.Tulad ni Lorren Dizon ng Lucao nagsimula din ito sa mahirap bago nya natutunan ang tamang proseso ng paglalaro ng Skateboard.
Ito ang mga dapat mong gawin para ikaw ay maging isangmagaling na skateboarder.
- Bumili at pumili ng SkateBoard na angkop sayo at madaling matututunan. Kung hindi mo alam kung anoyung nararapat sayo, maari kang magtanong sa mas nakakalam.
- Gumamit ng Safety Gears tulad ng Helmet, Knee pads, Elbow pads. Mas unahin natin ang kaligtasin natin.
- Pumili ng angkop na sapatos. Kailangan yung komportable at hindi hadlang s apag i-skateboard mo.
- Magsimula sa mahina at magbilang hanggang sa mabalanse ang sarili.
- Sumama sa mga marunong mag skate mas mainam na maturuan ka nila ng bagong techniques.
- Huwag kang matakot mahulog ang pagkahulog ay parte ng pagsasanay, mas mainam na may determinasyonka sa paglalaro ng skateboard.
Ito ang mga una mong matutunan sa pag ii-skate. Kailangan lamang na alam mo at mahal mo ang ginagawa mo. Huwag mag madaling matuto, step by step kung baga.
Enjoy skateboarding guys!
Photo credited to Google Images