Ninakaw na wallet, naibalik sa may-ari matapos ang 50 taon

Matapos ang limampung taon, naibalik kay Dennis Helmer, 78 anyos, ang kanyang nanakaw na wallet nang pasukin ito sa kanyang bahay noon sa Westmont.
Ikinagulat na lamang ni Dennis nang makatanggap siya ng tawag mula sa contractor ng Bellmar Homes at sinabing nakita nila ang wallet sa kisame ng ginibang bahay.
Naibalik sa kanya ang 1957 selective service card nito, St. Christopher medal, resibo ng tuition payment sa Drexel university at litrato niya kasama ang kanyang date prom night sa Camden Catholic School.

Facebook Comments