Naaagnas na Bangkay, Natagpuan sa Loob ng isang Bahay!

Cauayan City, Isabela- Inaagnas na ang bangkay ng isang matanda nang ito’y matagpuan sa loob ng kanyang tahahan sa Brgy Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Norma Sacro, hipag ng biktimang si Eduardo Olaguir, 74-anyos, byudo at residente sa naturang lugar na dadalhan sana niya ito ng pagkain ngunit bumungad sa kanya ang masangsang na amoy.

Sa pagpasok sa kusina ni Sacro ay nakita ang nakahandusay na katawan ni Olaguir na agad namang itinawag at ipinaalam sa himpilan ng pulisya.


Sa pagsisiyasat ng kapulisan, wala namang nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Dahil dito, hindi na ipina-autopsy ang bangkay nito ng mga anak na nasa kalakhang Maynila na nakatakdang darating ngayong araw.

Facebook Comments