Supermarket sa Nueva Vizcaya, Nilooban!

*Cauayan City, Isabela-* Isang kilalang supermarket ang nilooban at ninakawan sa Barangay Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, laking gulat na lamang ng manager ng supermarket na si Sherwin Miguel, 34-anyos na sira ang kandado ng roll up door nang ito’y kanyang buksan.

Nilimas ng hindi pa nakikilalang mga kawatan ang hindi pa matukoy na halaga ng pera na napagbentahan at ilang grocery items ng nasabing supermart.


Base sa pagsisiyasat ng pulisya, posibleng sinamantala ng mga kawatan ang pagiging abala ng nagmamay-ari sa nasabing grocery store sa pagsalubong at selebrasyon ng bagong taon.

Posibleng dumaan ang mga kawatan sa bubong ng supermarket dahil madali itong mabuksan.

Inaalam pa rin ng pulisya ang mga responsable sa naturang panloloob at pagnanakaw.

Facebook Comments