NAAAWA | Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi, pinayuhan ni P-Duterte na huwag pansinin ang mga human rights advocates

*Manila, Philippines – *Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi na huwag pansinin ang mga human rights advocates matapos na hindi maipagtanggol ang mga Rohingya Muslims sa kanyang bansa.

Ipinahayag ni Pangulong Duterte na naaawa siya kay Suu Kyi dahil marami ang bumabatikos sa Myanmar leader kung saan aniya huwag ng pansinin pa nito ang mga human rights advocates dahil gumagawa lang ito ng ingay.

Matatandaan na ang myanmar leader ay minsang tinaguriang ehemplo ng power of the powerless at nanalo ng nobel peace prize noong 1991.


Habang ang Pangulong Duterte naman ay kinukundena ng human rights advocates dahil sa madugong gyera ng kanyang administrasyon kontra ilegal na droga.

Facebook Comments