NAABO | Halos 50 bahay, nasunog sa Taguig

Taguig City – Hindi bababa sa limampung bahay ang natupok ng sunog na nagsimula ng alas-5:26 kahapon sa isang residential area sa zone 7 Mini Park, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Dalawa ang sugatan kabilang ang residenteng si Arnel Decasin na nagtamo ng 2nd degree burn at bumberong si FO1 Dean Erot matapos mahulog sa bubong habang rumeresponde sa sunog.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Taguig Chief Insp. Severino Sevilla, aabot sa 200 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan.


Habang tinatayang isang milyong piso ang kabuuang pinsala bunsod ng sunog na umabot sa Task Force Alpha.

Facebook Comments