BODY CAMERA | Pasig City Police, gagamit na ng body cam sa mga operasyon

Pasig City – Gagamit na ng body camera ang mga pulis ng Pasig City sa kanilang mga operasyon.

Ayon kay Eastern Police District Director Chief Supt. Romulo Sapitula, ito ay para makaiwas ang mga pulis sa akusasyong pagpapabaya sa kanilang tungkulin.

Aniya, mare-record nito ang lahat ng mga kaganapan sa checkpoint operations, raid, surveillance operations, oplan sita o oplan galugad.


Inihayag ni Sapitula na sa 48 camera na binili ng Office of the Mayor, tatlo ang ibinigay sa kada isa sa sampung police community precincts sa Pasig City habang ang iba ay ibibigay sa special reaction unit at mga operatiba nito.

Facebook Comments