NAAGAPAN | Bomba na isinilid sa bag sa harap ng isang eskwelahan sa Tacurong City, napigilang sumabog ng militar

Tacurong – Hindi nagawang mapasabog ng mga suspek ang Improvised Explosive Device na kanilang isinilid sa isang bag at inilagay sa harap sa isang eskwelahan sa Tacurong City.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Brigadier General Cirilito Sobejana alas-3:00 hapon kamakalawa nang marekober ng mga tauhan ng Joint Task Force Talakudong ng Philippine Army ang IED sa harap ng of Griño Elementary School sa National Highway ng Tacurong City.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) ng Army at PNP dahilan para mapigilan ang pagsabog ng natagpuang IED.


Ang IED ay gawa sa unexploded ordnance mula sa 105mm ammunition.

Batay sa pahayag ng civilian informant na isang Yasser Saligan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ni Commander Sukarno Sapal alyas Diok ang naglalagay ng mga IER na target ay ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nagpasalamat naman si Sobejana sa impormasyong ibinibigay ng mga sibilyan kasabay ng panawagan na maging mapagmatyag at alerto laban sa mga kahina hinalang bagay o tao.

Facebook Comments