Naagnas na Bangkay, Natagpuan na Palutang-lutang sa Cagayan River

3304

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang naagnas ng buhay ng isang lalaki na palutang-lutang sa Cagayan river pasado 3:00 hapon kanina sa Brgy. Casibarang Sur, Cabagan, Isabela.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Cabagan Police Station, tinatayang nasa 5’4 ang taas ng biktima na nakasuot ng blue shorts pants.


Bago ito, nakatanggap ang pulisya mula sa isang concerned citzen na may nakita itong palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki sa nasabing lugar na agad naman nitong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Inaalam naman ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima matapos ang pagkadiskubre sa bangkay.

Agad na dinala sa isang punerarya ang biktima para sa post mortem examination.

Facebook Comments