Manila, Philippines – Aminado ang Palasyo ng Malacañang na naaalarma narin si Pangulong Rodrigo Duterte Inflation Rate sa Bansa.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng inilabas ng Philippine Statistics Authority na umakyat na sa 5.7 ang Inflation Rate noong buwan ng Hulyo mula sa 5.2 noong Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, humahanap na ng solusyon ang Cabinet Economic Team kung paano mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Managers ng Administrasyon ang mga panukala ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na bawasan ang taripa sa ilang food products pati narin ang ang panukala ni Agriculture Secretary Manny Pinol na lagyan ng Suggested Retail Price ang mga Fish Product at Zero Tarrif sa mga Imported fish products.
kabilang din aniya sa mga gagawin ng Administrasyon ay palakasin pa ang paghabol sa mga rice hoarders para mabuwag na ang rice cartel na dahilan ng mataas na presyo ng bigas sa Merkado.