Manila, Philippines – Naalarma si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring pagsabog sa Lamitan City Basilan kahapon.
Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa isang panayam sa anibersaryo ng PNP health service sa Camp Crame.
Sa katunayan aniya agad na nakipagusap ang pangulo kina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at OIC DILG Undersecretary Eduardo Año.
Habang nakatakda namang magsagawa ng command conference sa susunod na linggo para mapag-usapan ang naganap na pagsabog.
Posible rin aniyang matukoy dito ang usapin kaugnay sa umiiral na martial law sa Mindanao.
Sinabi pa ni Bong Go na nagplano ang Pangulong bisitahin ang mga labi ng mga nasawi sa pagsabog pero agad na inilibing ang mga ito.
Tinitiyak naman aniya ng pamahalaan na maibibigay agad ang tulong para sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog.