NAANTALANG ALLOWANCE | CHED, humingi ng paumanhin

Manila, Philippines – Nangako ang Commission on Higher Education na magdaragdag sila ng mga tauhan para mapabilis ang proseso ng may labing isang libong (11,000) living allowances para sa mga scholar nito.
Ayon kay CHED chairperson Patricia Licuanan, na-delay ang mga naturang allowances dahil na rin sa ilang kadahilanan tulad ng aberya sa kanilang internal system.
Aniya, may mga hinihingi sa kanilang dokumento ang Commission on Audit at nagkaroon din ng mga discrepancies sa ilang mga documentary requirements.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin si Licuanan sa mga government scholars dahil sa pagkaantala ng kanilang allowances.

Facebook Comments