Naantalang overseas voting sa Timor-Leste, nagsimula na ngayong araw

Nagsimula na ngayong araw ang overseas voting sa Timor-Leste.

Ito ay kasunod ng pagkaantala ng botohan sa naturang bansa dahil na-delay ang pagpapadala ng mga election material bunsod ng logistical problems sa shipment.

Ang mga rehistradong Pilipinong botante ay maaaring magtungo sa Philippine Embassy Chancery sa Bairro Farol, Dili upang makaboto.


Magsisimula ang botohan sa ganap na alas-9:00 umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Abril 21 hanggang sa Mayo 9, 2022.

Pinapayagan din mahigit 700 registered overseas Pinoy voters na may active status sa Timor-Leste na bumoto sa ibang voting post na nagsimula noong Abril 10 at magtatapos naman hanggang Abril 30.

Facebook Comments