Friday, January 16, 2026

Naantalang sweldo ng mga job orders sa DPWH, matatanggap na —Sec. Dizon

Naantalang sweldo ng mga job orders sa DPWH, matatanggap na – Sec. Dizon

Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na matatanggap na ng mga job order na empleyado ang kanilang mga naantalang sweldo.

Sa ginanap na flag-raising sa DPWH, sinabi ni Dizon na inatasan niya si Assistant Secretary Michael Villafranca na resolbahin agad ang problema sa loob ng pitong araw.

Giit ni Dizon, nararapat lamang na maibigay ang sweldo ng mga job order na empleyado, lalo na ang mga nasa field, dahil pinagpaguran nila ito nang husto.

Bukod dito, inanunsyo ni Secretary Dizon na may 1,993 na bakanteng puwesto o trabaho sa DPWH na nais niyang mapunuan, kung saan iaangat o ipo-promote niya sa trabaho ang mga empleyado, kasama na ang mga job order, depende sa kanilang performance.

Aniya, sa pamamagitan ng ganitong sistema, bawat empleyado ay magkakaroon ng pagkakataon na umangat sa posisyon at mas magiging maayos pa ang pagganap sa kanilang trabaho.

Facebook Comments