Naarestong babaeng recruiter ng Maute-ISIS Group, sasampahan ng karagdagang kasong rebelyon

Manila, Philippines – Sasampahan ng NBI ng karagdagang kasong rebelyon ang naarestong recruiter ng Maute-ISIS Group na si Karen Aizha Hamidon.

Ito ay bukod sa kasong fourteen counts ng Inciting a Rebellion na isinampa ng NBI sa Department of Justice laban kay Hamidon.

Ang panibagong kasong isasampa ng NBI ay may kinalaman sa 296 posts ni Hamidon sa kanyang social media application na TELEGRAM na nagpo-promote ng rebelyon sa Marawi City.


Sa paghalughog ng NBI sa bahay ni Hamidon sa Taguig City sa bisa ng Search Warrant, nakumpiska dito ang cellphones, laptops, tablets at iba pang electronic devices na ginagamit ni Hamidon sa kanyang illegal online activities.

Si Hamidon ang responsable sa pag-recruit ng mga dayuhan at Pilipino para lumahok sa operasyon ng Maute-ISIS Group sa Marawi City.

Nakumpirma rin ng NBI ang koneksyon niya sa malalaking ISIS terrorist leaders.

Facebook Comments