Cauayan City, Isabela- Nabatid na dati na palang sumuko sa Oplan Tokhang ng kapulisan ang naarestong drayber ng isang kumpanya sa Lungsod ng Cauayan.
Una rito, nadakip dakong alas 9:30 kagabi ang suspek na kinilalang si Efren Vidal, 28 taong gulang, binata, residente ng District 2, Gamu, Isabela at pansamantalang nangungupahan sa Valle St, San Fermin, Cauayan City.
Nang makatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya kaugnay sa iligal na gawain ng suspek ay agad na isinagawa ang drug buybust operation sa tinutuluyan nito sa Valle Street na nagresulta naman sa pagkakahuli ng suspek.
Nabili ng nagpanggap na buyer sa suspek ang isang (1) sachet ng hinihilanang shabu habang narekober sa pag-iingat nito ang ginamit na Php500.00 na buybust money at isang (1) unit ng cellphone.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa suspek, inamin nito na pagkatapos sumuko sa kapulisan ay bumalik rin ito sa dating gawain at paggamit ng illegal drugs.