NAARESTONG HEAD TEACHER, HINDI KUKUNSINTIHIN NG DEPED CAUAYAN!

*Cauayan City, Isabela* – Nakahandang makipag ugnayan ang pamunuan ng DepEd Cauayan City sa PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa kasong kinakasangkutan ng kanilang Head Teacher na naaresto sa isang buy bust operation kaninang madaling araw.

Sa panayam kay Dr. Fred Gumaru, Schools Division Superintendent, ng Cauayan, nalulungkot sila sa nakarating na balita ngunit wala silang magagwa kungdi ang makipagtulungan sa imbestigasyon at kapag napatunayan na may pananagutan ang kanilang kawani ay kailangan nitong harapin ang kaso.

Sakaling mapatunayan na may pananagutan ang kanilang naarestong Head Teacher ay sila mismo ang magsasampa ng kasong administratibo laban dito.


Matatandaan na naaresto sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 2) kaninang madaling araw sa Brgy. District 1, Cauayan City si si Mark Dominic Antonio, 37 anyos, head teacher ng Disimuray Elementary School.

Pupunta ngayong araw, October 11, 2019, si Dr. Gumaru sa Disimuray, Cauayan City para makakuha ng dagdag na impormasyon.

Positibong nakabili ang isang poseur buyer mula sa suspek ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ang halagang isang libong piso (P1,000.00) na marked money.

Facebook Comments