Naarestong ina ng Maute Brothers, pinag-aaralang dalhin na din sa Maynila

Marawi City, Philippines – Pinag-aaralan ng pamunuan ng Philippine National Police na dalhin na rin sa Metro Manila ang ina ng Maute brothers na naaresto sa Lanao Del Sur dahil sa banta na baka i-rescue ito ng kanyang mga anak.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang mga security officials hingil sa nasabing isyu pero ipinaliwanag ni C/Supt. Reuben Theodore Sindac, hepe ng PNP-ARMM na nasa pangangalaga nila si Omenta Maute, alyas Farhana at pito pa nitong kasamahang babae.

Naaresto ang mga ito habang papatakas sa kanilang pinagtataguang lugar sa Barangay Dayawan sa bayan ng Masiu sa Lanao Del Sur kung saan kasama nito ang dalawang iba pang sugatang miyembro ng Maute Group.


Narekober din sa grupo ni Farhana ang ilang matataas na kalibre ng baril, mga bala at ilang piraso ng Improvised Explosive Device (IED).
DZXL558

Facebook Comments