Parami ng parami ang mga indibidwal na nahuhuling lumalabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong bansa.
Batay sa ulat ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt Gen Guillermo Eleazar sinabi nitong hanggang kahapon sumampa na sa kabuuang 84, 926 na indbidwal ang nahuli ng Philippine National Police (PNP).
Sa bilang na ito 46, 692 na violators ay naitala sa buong Luzon, 16, 305 mga violators nahuli sa Visayas at 21, 929 violators arestado sa Mindanao.
Mahigit 50,000 violators na nahuli ay pinauwi rin matapos pagsabihan pero 4, 104 violators ay pinagmulta.
Samantala, hanggang kahapon 646 na indibidwal na ang nahuli ng PNP dahil sa pagho-hoard at pagbebenta ng mga overpriced medical supplies at iba pang pangunahing pangangailangan.