Naarestong Maute sister sa Iloilo, hindi dadalhin sa Metro Manila ayon kay PNP Chief Dela Rosa

39

Manila, Philippines – Wala pang direktiba si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na ilipat dito sa Metro Manila ang naarestong kapatid na babae ng Maute Brothers na sina Omarkhayam at Abdullah.

Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon ang kanyang instruction ay dalhin sa Cagayan De Oro City ang suspek para doon na iproseso ang pagsasampa ng kaso.

Sakali naman daw na hindi kayang bigyan nang sapat na seguridad ang Maute sister sa Cagayan De Oro bago pa lamang siya magdedesisyon ilipat ito dito sa Metro Manila.

Ang Mauter sister ay naaresto kahapon sa Iloilo Port habang sakay ng pampasaherong barko.

Sa ngayon, nasa Camp Bagong Diwa na sa Taguig ang nanay at tatay ng pamilya Maute.

Layon nitong mabigyan sila ng sapat na seguridad upang hindi makatakas sa kamay ng mga awtoridad dahil sa kinakakahap na kasong rebelyon.

Facebook Comments