Senator Hontiveros, kumpyansang hindi na mauulit ang martial law na katulad ng ipinatupad ni dating Pangulong Marcos

84

Manila, Philippines – Sigurado si Senator Risa Hontiveros na hindi papahintulutan ng taumbayan na maulit ang umano’y mapang-abusong martial law na pinairal noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Reaksyon ito ni Hontiveros sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging indefinite at copycat ng Marcos martial law ang susunod na idedeklara niyang batas militar.

Giit ni Hontiveros, walang indefinite o unli-martial law na pinapayagan ang konstitusyon.

At kahit aniya maideklara ni Pangulong Duterte ang kahalintulad na martial law ng rehimeng Marcos ay tiyak na hindi ito magtatagumpay at agad na tutuldukan ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments