Naarestong pulis at karelasyon nitong Abu Sayyaf – dumating na sa Metro Manila; Nakarelasyon ASG member – kumpirmadong suspek sa 2012 Cagayan De Oro blast

Manila, Philippines – Isa ang naarestong si Reneer Lou Dungon sa anim na teroristang nasa likod ng pagpapasabog sa Cagayan De Oro City noong Oktubre 2012 na ikinamatay ng dalawang sibilyan at ikinasugat ng ilang police officers.

Sa interview ng RMN, kinumpirma ni PNP Spokesman Sr/Supt. Dionardo Carlos na si Dungon ay kasama ng napatay na Indonesian bomber na si Zulkifli Binhir alyas Marwan at anim na suspek sa pagpapasabog sa labas ng Maxandrea Hotel.

Ayon kay Carlos – ang mga ito ay kinasuhan ng double murder at double frustrated murder ngunit na-dismissed ng korte dahil sa tulong ni Nobleza.


Si Dungon ay naaresto kasama ang umano’y kanyang ka-relasyon na police official na si Supt. Maria Cristina Nobleza matapos na tangkaing iligtas sana ang ilang ASG members na naiipit sa Bohol.

Samantala, sinabi ni Carlos na kinukumpirma na ng PNP ang natagpuang bombang C4, detonating cord, blasting cap at blasting cap kit sa nirerentahang apartment ni Nobleza sa Barangay Looc, Panglao, Bohol.

Pasado alas 9:00 kaninang umaga ay dumating sa NAIA terminal 3 ang Cebu pacific flight 5j 620, sakay si nobleza kasama si Dungon at agad na idineretso sa Camp Crame.
DZXL558

Facebook Comments