Naarestong si Abu Jadid, nakunan ng video kasama ng mga miyembro ng Maute sa Butig, Lanao Del Sur

Manila, Philippines – Isang video ang lumabas kung saan makikitang kasama ni Mohammad Noaim Maute alyas Abu Jadid ang ilang mga miyembro ng Maute.

Sinasabing ang naturang video ang magpapatunay na miyembro ng Maute ang inarestong umanoy bomb expert na si Abu Jadid.

Sa pagkakaaresto kamakailan kay Abu Jadid – mariin nitong itinanggi na miyembro siya ng teroristang grupo.


Nakunan ang video sa kasagsagan ng bakbakan ng Maute at militar sa bayan ng Butig, Lanado Del Sur nuong May 2016.

Makikita rin sa video na ilang bata na kasama sa grupo na kabilang umano sa mga nakikipagbakbakan ngayon sa Marawi.

Facebook Comments