MANILA – Kakasuhan na ang naarestong suspek sa paghack sa website ng Commission on Elections (Comelec).Ito’y matapos na mapatunayan ng Manila Prosecutor’s Office na mayroong sapat na dahilan ang reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa Information Technology graduate na si Paul Biteng.Ayon kay Manila Chief Inquest Prosecutor Joven Senados, mahaharap si Biteng sa kasong paglabag sa anti-cybercrime law, kabilang ang illegal access, data interference at illegal use of devices.Sinabi naman ni Vic Lorenzo, Executive Officer ng NBI Cyber Crime Division na nakakuha na sila ng court order mula sa Malabon Regional Trial Court para sa full forensic examination sa nakumpiskang cellphone at tatlong computer ni Biteng.Anim na raang libong piso ang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.Naaresto si Biteng noong nakaraang linggo kasabay ng paglabas ng isang website kung saan nakalagay ang mga sensitibong impormasyon ng mga rehistradong botante.
Naarestong Suspek Sa Nanghack Sa Website Ng Comelec, Kakasuhan Na
Facebook Comments