Manila, Philippines – Nababahala si Justice Secretary Menardo Guevarra na makalabas ng Pilipinas ang kontrobersiyal na si Senator Antonio Trillanes IV desisyon ng Mababang Korte sa kaso ni Sen Trillanes.
Ito ay matapos na hindi magpalabas ng Warrant of Arrest at Hold Departure Order si Makati City Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Bartolome na hinihingi ng Kagawaran.
Sa halip ay binigyang pagkakataon ng Korte si Trillanes na makapaghain ng paliwanag Kung bakit hindi dapat katigan ng hukuman ang hiling ng DOJ na siya ay arestuhin.
Sampung araw ang binigay ng Korte sa Senador upang isumite ang kanyang komento.
Matatandaang ibinasura ng Mababang Korte ang kasong rebelyon laban Senador sa nag-ugat dahil sa pag-aaklas sa Manila Peninsula Hotel at sa Oakwood Hotel noong July 27, 2003.