Manila, Philippines – Nababahala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa walang awang pagpatay kay Prosecutor Velasco noong hapon ng araw ng Biyernes May 11.
Tinukoy ni Atty. Dominic Solis, Presidente ng IBP-QC chapter ang pamamaraan ng pananambang kay Prosecutor Velasco na in ‘broad daylight’ at sa harap pa mismo ng dalawa niyang mga anak isinagawa ang pamamaril.
Kumbinsido naman si Prosecutor Reynaldo Garcia, pangulo ng Quezon City Prosecutors League na may kinalaman sa droga ang pag-ambush.
Bilang chief inquest, kay Velasco ang bagsak ng lahat ng kaso kabilang na ang mga drug related cases.
Paretiro na si Velasco at dahil walang survivors benefits ang prosecutor, walang matatanggap na benepisyo ang kaniyang mga naulila.
Batay naman sa record na binasa ni Prosecutor General Jorge Catalan pang-labing tatlo na si Velasco na napapatay na tagausig sa buong bansa mula noong 1992.
Batay naman kay Prosecutor General George Catalan nasa labintatlong prosecutor na ang napapatay sa nakalipas na Dalawang taon.