NAKIRAMAY | Ilang kilalang personalidad, dumalaw sa burol ni dating Senador Edgardo Angara

Taguig City – Dumalaw ang ilang personalidad sa unang araw na public viewing sa labi ni dating Sen. Edgardo Angara sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Sumakabilang-buhay nitong linggo ang dating Senate President sa edad na 83 matapos atakihin sa puso.

Kabilang sa mga dumalo ay sina dating Pangulong Fidel Ramos at dating House Speaker Jose De Venecia.


Nagpaabot din ng pakikiramay sina Senador Loren Legarda, Franklin Drilon, Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Richard Gordon at Bam Aquino.

Nakita ring dumalaw si Budget Secretary Benjamin Diokno, DTI Secretary Ramon Lopez at Finance Secretary Carlos Dominguez.

Humabol din kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang Special Assistant na si Bong Go.

Ayon kay Senador Sonny Angara, kabilang sa maglalahad ng kanilang eulogies sina dating Pangulong Joseph Estrada at Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ibibiyahe patungong Baler, Aurora ang labi ni Angara sa Sabado, May 19 habang nakatakdang ang libing sa Linggo, May 20.

Facebook Comments