Manila, Philippines – Pinabubusising mabuti ng mga Senador na kabilang sa oposisyon ang pagpili sa China Telecom joint venture bilang ikatlong telecommunication company.
Nangangamba ang opposition senators na matulad ito sa mga naunang proyekto na konektado sa china kabilang ang umano ay maanumalyang NBN-ZTE deal at north rail project.
Ayon sa Senate Minority Bloc, napakahalaga na magkaroon ng ikatlong telco para maipagkaloob sa mamamayan ang mahusay na internet at mobile services.
Pero giit ng minorya, dapat ibukas sa publiko ang proseso at lahat ng detalye kaugnay sa napiling ikatlong telco na consortium ng Udenna Corporation na pagmamay-ari ng taga-Davao na negosyanteng si Dennis Uy at ng China Telecom.
Kung hindi susuriing mabuti ay posibleng ding malagay sa alanganin ang ating seguridad dahil ang ikaltong telco ay magkakaroon ng access sa ating pang-araw araw na aktibidad at mahahalang impormasyon.
Ang oposisyon sa mataas na kapulungan ay binubuo nina Senators Leila de Lima, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV, at lider nilang si Senator Franklin Drilon.