Manila, Philippines – Nababahala si Senador JV Ejercito sa posibilidad na makaapekto sa ating ekonomiya ang tumitinding mga kaso ng patayan sa bansa.
Pahayag ito ni Ejercito makaraang magkasunod na patayin sina Tanuan City Mayor Antonio Halili at General Tinio Mayor Fedinand Bote.
Paliwanag ni Ejercito, maaring maghatid ng takot sa mga mamumuhunan o mga negosyante ang isang kapaligiran na may karahasan.
Sabi naman ni Senador Win Gatchalian, hindi maaring tratuhin na nagkataon lamang ang magkasunod ng pagpaslang sa dalawang alkalde.
Para kay Gatchalian, hindi magandang senyales na hindi kayang proteksyunan ng gobyerno ang mga alkalde na syang front-liners o nangunguna sa pagpapatupad ng mga polisiya ng pamahalaan.
Facebook Comments