NABABAWASAN NA | Supply ng ilegal na droga sa Iligan, patuloy na humihina

Iligan – Mas humina pa ang supply ng ilegal na droga sa lungsod ng Iligan.

Ito ang kinumpirma ni PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Royga matapos magbigay ng report ang kanyang mga operatives hinggil sa status ng ilegal na droga sa lungsod.

Sinabi niya na unti-unti nang nawawala ang ilegal na droga sa Iligan matapos ang subsob na operasyon nila hinggil sa patuloy na kampanya pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.


Sinisikap din na maging drug free na ang lungsod nitong patuloy ang kanilang ginawang evaluation at monitoring sa mga Barangay kung saan dati ay talamak ang bintahan ng ilegal na droga.

Sinisiguro nito na hindi makakalusot sa kanila ang mga taong patuloy na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod ng Iligan.

Facebook Comments