NABAHALA | Assembly of State Parties, bukas na makipagdayalogo sa Pilipinas kaugnay ng pagkalas ng bansa sa ICC

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang pinuno ng Assembly of
State Parties sa ginawang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute na bumuo sa
International Criminal Court (ICC).

Ayon kay President O-Gon Kwong ng South Korea – may negatibong impact sa
bansa ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC base sa direktiba ni Pangulong
Rodrigo Duterte.

Malinaw umano ito na pinapahina ng mga kumakalas na state party ang kanya
ng ICC laban sa impunity at pagsikil sa human rights.


Pinayuhan rin niya ang Pilipinas na pag-isipang mabuti ang kanilang
desisyon na kumalas sa Rome Statute na siyang lumikha ng ICC.

Mula nang sumali ang Pilipinas sa nasabing samahan noong 2011 ay naging
aktibo na ito ayon pa kay Kwon.

Bukas rin umano ang kanilang grupo sa isang dayalogo sa bansa para
mapag-usapan ang ilang mga isyung nakapaloob sa pagkalas ng Pilipinas sa
ICC.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments