Iloilo – Naialis na ang nabalahaw ng eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng Iloilo International Airport.
Ito ang kinumpirma ni Charo Logarta, ang tagapagsalita ng Cebu Pacific, makaraang mag-overshoot o sumadsad ang harapang gulong ng flight 5J 461 na may biyaheng Manila – Iloilo at bumaon pa sa 20 pulgada na putik.
Sa ngayon, nailipat na sa parking para sumailalim sa maintenance check ang nabanggit na eroplano.
Ayon kay Logarta, kahit na naialis na ang nasabing eroplano tuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan nila sa Civil Aviation Authority of the Philippines, Manila International Airport Authority maging sa mga local officials para matiyak na ligtas ang runway bago magbalik ang normal na operasyon ng Iloilo International Airport.
Kaugnay nito, muli nanamang nadagdagan ang mga kanseladong flight bunsod ng nasabing aberya partikular ang flight—5J 261 (Iloilo-Puerto Princesa) pero ang return flight na 5J 262 (Puerto Princes-Iloilo) ay tuloy saka-sakaling magbalik na sa normal ang operasyon ng Iloilo airport kapag nagbigay na ng go signal ang CAAP.