Manila, Philippines – Nabasahan na rin ng sakdal ng Sandiganbayan 6th division si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo kaugnay sa kasong kinakaharap nito sa Tagum Agricultural Development Corporation at Bureau of Corrections deal.
Naghain si Floirendo ng “not guilty plea” sa kasong katiwalian.
Ayon sa prosecution, labing walo ang kanilang magiging saksi laban kay Floirendo habang sa panig naman ng kongresista, apat ang kanilang ihaharap na testigo.
Mag uumpisa ang paglilitis kay Floirendo sa August 15.
Ang kaso ni Floirendo ay nag-ugat sa isinampang reklamo ng dati nitong malapit na kaibigang si Speaker Pantaleon Alvarez kung saan pumasok si Floirendo habang ito at kongresista sa joint venture agreement ng TADECO at BUCOR para sa pag-upa sa malawak na lupain ng davao penal colony na ginawang plantasyon ng saging ng TADECO.
Samantala, pinayagan naman ng korte si Floirendo na makasama sa delegasyon ni Pangulong Duterte sa South Korea mula June 1 hanggang June 7.