NABATIKOS | UST Law Dean Nilo Divina at 18 iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity, pinadi-disbar ng senado

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na i-disbar si University of Sto. Tomas Law Dean Nilo Divina at 18 iba pa na mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity dahil sa pagkamatay ni UST law student Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nararapat ma-disbar ang mga sangkot sa pagtatakip sa krimen at hindi nagreport sa pulisya tungkol sa nangyaring krimen.

Aniya, panahon na rin para umaksyon ang UST laban sa Aegis Juris Fraternity.


Umapela rin si Lacson kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at sa iba pang mahistrado ng SC kaugnay sa kanilang rekomendasyon.

Giit pa ni Lacson, hindi karapat-dapat ang mga nabanggit sa kanilang propesyon bilang mga abogado.

Facebook Comments