Bumaba ang bilang ng mga pasaherong nagsisipag-uwian sa kani-kanilang mga lalawigan para magdiwang ng Kapaskuhan.
Base sa monitoring ng PCG umakyat lamang sa 21,423 na mga pasahero ang kabuuang mga nagsisipag-uwian sa holiday season.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, umaabot sa 1,848 ang bilang ng mga pasahero sa National Capital Region-Central Luzon – 1,848 habang sa Central Visayas ay 4,502 sa Palawan ay 306 sa Southern Tagalog ay 4,097 habang sa Western Visayas ay umaabot sa 3,817 South Eastern Mindanao partikular sa Davao ay umaabot sa 580 sa Bicol ay 1,463 sa Northern Mindanao ay 2,773 sa Eastern Visayas ay 582 habang sa Southern Visayas ay umakyat sa 1,455.
Paliwanag ni Balilo, patuloy ang ginagawang monitoring ng PCG kaugnay sa kanilang ‘Oplan Byaheng Ayos: Pasko 2018’ upang matiyak na ligtas ang mga pasaherong luluwas sa kani-kanilang probinsiya.
Umapela rin si Balilo sa mga pasahero na maging mapagmatyag at alerto sakaling mayroon silang napapansin na may kahina-hinalang bagay o tao sa kanilang mga pantalan ay agad ipagbigay alam sa mga tauhan ng PCG.