HIHIKAYATIN | Catriona Gray, iimbitahan ng DND na maging reservist

Manila, Philippines – Iimbitahan ng Department of National Defense (DND) si Miss Universe 2018 Catriona Gray na maging reservist sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na umaasang tatanggapin ni Catriona ang kanyang alok.

Ayon kay Lorenzana, kukumbinsehin niya si Catriona na pumasok na reservist sa Philippine Army.


Aniya magiging malaking karangalan para sa mga sundalo kung makakabisita din si Catriona sa mga kampo ng militar.

Facebook Comments