Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa third quarter ng 2017 batay sa pinakahuling Survey Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang survey mula September 23 hanggang 27 na may 1,500 adult respondents, lumabas na 18.9% o 8.9 milyong filipino adults ang nanatiling walang trabaho.
Ito ay mas mababa sa 22.2% joblessness rate o 10.5 milyong pilipino noong Hunyo.
Nasa 10.4% o 4.8 milyong Pilipino naman ang nag-resigned, 6.6% o 3.1 milyon pilipino ang nawalan ng trabaho at 1.9% o 890,000 ang first-time job seekers.
Lumabas rin na bumaba ng isang puntos ang job optimism rate sa 45%. habang tumaas ang pessimism ng mga pinoy sa 18% noong setyembre kumpara sa 15% noong Hunyo.
Ibig sabihin, dumami ang mga pinoy na naniniwalang mas kakaunti ang magiging trabaho sa susunod na 12 buwan.