NABAWASAN | Crime rate sa Mindanao, bumaba ng 37% dahil sa Martial law – PNP Chief

Bumaba ng 37 porsyento Ang overall crime rate sa Mindanao dahil sa umiiral na Martial Law.

Ito ang inihayag ni Police Director Mao Aplasca ng PNP Directorate for Operations

Sinabi naman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na ang monthly average index crime rate o mga itinuturing na major crimes sa mindanao ay 8.75 percent noong 2017, kumpara sa 5.92 percent nalang mula January hanggang September 2018.


Kaya ayon Kay Albayalde, base sa statistika ay nakikita ng PNP na nakatulong ang martial law sa overall peace and order situation sa Mindanao.

Aniya ang sentimiento ng karamihan sa mga taga mindanao ay pabor sa Martial Law dahil sa improvement sa peace and order situation sa lugar.

Kaya aniya supportado ng PNP ang pagpapalawig sa Martial law sa mindanao kung sakaling ito ang naging desisyon ng Malacañang base sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Facebook Comments