Manila, Philippines – Nabawasan ng tatlumpung porsyento ang naitatalang kaso ng Carnapping sa bansa.
Ito ang inihayag ni PNP Highway Patrol Group Director Police Chief Supt Roberto Fajardo.
Ito aniya ay batay sa kanilang datos mula noong isang taon at hanggang sa kasalukuyan.
Aniya ang Region 3 ang may pinakamaraming naitalang insidente ng Carnapping sinusundan ito ng Region 4B.
Base rin sa kanilang datos, mula noong nakalipas na taon umaabot na sa anim na raan at walo ang mga narekober na sasakyan.
Limang daan at labing apat dito ay ibinalik na sa may ari habang syamnaput apat naman ang nasa impounding area.
Maliban pa ito sa 29 na mga bagong sasakyan na naka impound sa area ng PNP HPG ito ay mula January hanggang August ng taong kasalukuyan.
Paalala naman ni Fajardo sa mga may ari ng sasakyan na nagpaparenta na mas maiging magtalaga nalang ng drayber para upahan di kaya ay lagyan ng GPS o global positioning system ang sasakyan upang hindi mabiktima ng mga karnaper.